Epekto Ng Solid Wase Management
Epekto ng solid wase management
Answer:
HABANG dumarami ang tao at lumalaki ang pangangailangan ng pagkain,
dumarami rin ang basura at dumi na itinatapon ng bawat pamilya. Dahil sa
may kakulangan sa pondo, pananalapi o di-mabisang pamamaraan, hindi
lahat ng mga basura at dumi ay nakokolekta at nadadala sa hantungang
tambakan nito. Nagiging sanhi ito ng mga problema sa kalusugan at
kapaligiran.
Basurang pinabayaan
Ang mga basura, lalo na ang dumi ng tao at iba pang lusaw (liquid wastes) at
buo (solid wastes) na galling sa mga bahay at barangay na hindi wastong
pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid
ng mga sakit na nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang
nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw, lamok, ipis, mga daga at iba
pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit. Pangkaraniwan na ang mga
basang basura at dumi ang nabubulok at nagbibigay ng mabahong amoy.
Nagiging daan ito sa maruming kapaligiran at sa pagdami ng problema sa
kalusugan. Ang mga plastic na basura ay isa pang sanhi ng masamang
kalusugan.
Nanganganib dahil sa wala o kulang na pamamahala sa pagtatapon ng mga
basura ang mga bata sa komunidad, mga basurero at mga nagtatrabaho sa
mga plantang nagbibigay ng nakalalasong mga bagay o sangkap.
Nanganganib din ang mga taong malapit na naninirahan sa pinagtatapunan ng
mga basura, at mga taong ang pinagkukunan ng tubig ay marumi dahil
malapit sa tambakan ng basura at ang mga may butas na tubo ng tubig.
Comments
Post a Comment